Search This Blog

Thursday, March 19, 2009

Dear "Nicole"

Isa ako sa mga nagngitngit noong magsumbong ka ng pang-aapi. Hindi lamang dahil sa pakikisimpatiya ko personal mong pagdurusa, kundi lalo’t higit dahil sa aking galit sa patuloy na pag-aalipusta ng mga dayuhan sa ating dignidad bilang Pilipino.

Sa totoo lang, me duda rin ako sa kwento mo. Sino nga ba naman sa atin ang di pa nakakaalam na ang kadalasang tingin ng mga sundalong Amerkano sa ating kababaihan e mga parausan? Hindi lahat ganoon ang pananaw, pero pumunta ka sa kanilang lungga at maglasing, e para ka na ring nagpalapa sa mga leon.

Pero pinaniwalaan naming lahat ang iyong kainosentehan (o katangahan ba dapat?). Kahit nga naman kasi sumayaw ka ng hubo’t hubad sa harap ng isang lalaki, “rape” pa ring matatawag kung ika’y umayaw at pinilit makipagtalik.

Kaya nga nga labis akong nagalak noong manalo ang kaso mo. Pakiramdam ko, binigyan na natin ng tamang babala ang mga mapagsamantala. At naibangon natin kahit papano ang dangal ng Pilipino.

Pero ano itong naririnig kong nagbago ka ng salaysay? Na nakokonsensya ka at mukhang hindi naman kasi talaga nagkasala ang isinakdal mo. Na parang naaalala mo na ngayon na di ka naman talaga pinilit.

Ganun?

Ano na ba ngayon ang tunay na kwento? Nagalit ka lang ba dahil pagkatapos ng inyong pagtatalik e hindi man lang nagpasalamat yung mama? Nainsulto ka lang ba dahil iniwan kang parang baboy sa kalsada at wala man lang yung inaasahan mong “ ilove you”?

Ang galing mo! Nagawa mong tanga ang buong Pilipinas!

Sinasabi nilang di ka dapat husgahan dahil baka naging biktima ka na naman uli. Talaga lang ha! Sinasabi lang yan ng mga peministang di ngayon malaman kung saan pupulutin ang kanilang sarili pagkatapos ng isang nakakahiyang pakikipaglaban. Magmula ngayon, wala na silang paghuhugutan ng dahilan para ipaglaban ang kaso ng mga nagagahasa, lalo na yung mga totoong nalapastangan.

Nahihiya ako ngayon. Narito ako sa isang bansa na kung saan di kagandahan ang karaniwang tingin sa mga Pilipina. Pinilipilit nilang baguhin yun, pero dahil sayo, subsob na naman sa lusak ang kanilang reputasyon.

Pero andyan na yan. Pasasaan ba’t tuloy pa rin ang laban ng ating bayan. Tuloy pa ring tatayo ang ating kababaihan, kahit pa masyadong mabigat yung ipinatong mong hilahil.

Isa na lang ang hiling ko. Sana nga mawala ka na’t manahimik sa Amerika – ang bayang sa tingin ko’y siya mong sadyang puntahan nung pumunta ka ng Subic. Siguro naman, hindi ka lalantad at gagawa ng pelikula.

13 comments:

carlotta1924 said...

sensya na kung may pagka-cynical ako pero nung una pa na lumabas ang istorya niya, hindi na ako naimpress sa "laban" niya. pakiramdam ko nun masyado siyang nagpapapansin, dahil sa mga nangyari parehas lang silang may kasalanan nung sundalo.

at ngayon lumabas na rin ang totoo niyang pakay. sabi ko na nga ba eh. talaga nga naman.

pamatayhomesick said...

bakit ganun ang nangyari...tsk.tsk.

dito sa lupang buhangin ganyan din ang nagiging problema at tingin nila sa mga pinay...kaya lang sa tingin ko rin dito hinahayaan nila na ganito ang maging tingin sa kanila, kasi,di naman lahat ha(makikiraan po!),pumapatol kasi sila sa ibang lahi,at ang masaklap pa pinapangalandakan pa na kasama nila ay isang bangali o indiano,(pasintabi parin po).naiinis ako pag nakakakita ako ng ganito..opinyun ko lang po ito,base narin sa kwento dito.

abe mulong caracas said...

SA AKIN LANG...

lagi ngang sinasabi pay nagka problema...move on.

kung yun ang paraan niya, wag nang kwestunin!

atto aryo said...

carlotta: alam kong me butas ang kwento nya pero ang focus naman kasi ng rape ay ang sapilitan o walang consent na pakikipagtalik, na mukhang nangyari naman. yun nga lang...

atto aryo said...

ever: well, ganun talaga. eto naman din kasing ilang kababayan natin. di iniisip na ang gawa nila e nagrereflect din sa ibang Pilipino.

atto aryo said...

abe: wala namang problema sa pag move-on. e di magpakalayo-layo siya at manahimik. pero ang tadyakan mo ang dignidad ng bansang nakiramay sa kunyaring paghihirap mo, aba e dapat iyong ipag-init ng ulo.

SHadow said...

tama ka kaibigan, hindi niya nakuha ang gusto niyang "i love you" blah blah kaya nagreklamo. babae rin ako, para sa akin, iba yun physical rape, iba yun emotional rape.pwede na sana niyang palagpasin yun physical rape, kaso, binababoy pa siya. although, she asked for it...hindi naman niya siguro kasalanan na naging national issue yun eh,may mga gumamit sa kanya. at hanggang ngayon ay may gumagamit sa kanya..siya mismo maaring biktima na sarili niya. kapit sa patalim ba ang tawag dun..sa pag uwi ko sa cavite, at pagsakay ng trycycle, may daraanan akong rice fields, na siyang dahilan kung bakit gusto ko doon umuwi. ang ganda ng tanawin sa umaga, pero sa gabi, hindi ako bumibitiw ng pagdarasal.nagpapasalamat na lang ako, hindi ako napunta sa kalagayan ni nicole.

aajao said...

atty. sa biglaang tingin sa mga pangyayari, ganun nga lumalabas--- nakakapagngitngit. pero sa mas malalim na pag-iisip, MAS NAKAKABAGOT tanggapin (kung ito nga talaga ang takbo ng mga pangyayari) na nagamit ang biktima ng dalawang gobyernong may kani-kaniyang interes para sa kani-kanilang sarili. ang talunan, wala namang bago--- tayo pa ring mga Pilipino. ayokong isiping ipinagkakanulo na tayo ng sarili nating pamahalaan... ipinagbibili sa dayuhan at kayang ikalakal kahit na anong oras.

basta. malungkot ang ganitong mga tagpo. :(

Chyng said...

Hi! Super kahapon ko pa gusto magcomment dito sa blog mo.

Three years in prison is no joke. Tapos ngayon lang niya marerealize na her conscience is bothering her?! I really hope nagfile si Smith ng case against her.

She put us all into great shame. Sana wag na siya umuwe, ever!

Anonymous said...

hehe. Parang pinapalabas na ang bottom line is she wants to go to the US of A and she thought si Smith ang kanyang pasa-porte. Kaso hindi nangyari kaya naghabla.

Ngayong nasa tate na sya, nagkaroon ng konsyensia (baka Safeguard ang ginamit na pampaligo). WTF? If this premise is true, may karapatan kang mag ngitngit attorney. Hindi lang si Smith ang gusto sana nyang gamitin, ang taong bayan na nakisimpatya sa kanya ay NAGAMIT nya.

Ely said...

Una pa lang ndi na ako naniniwala sa kwento nya. In fact galit ako sa mga nagrarally noon for her na sumisigaw ng hustisya (daw). Eh di pahiya sila ngaun?

Anonymous said...

pre malamang nga ikontra yung lifestory nya ni carlo j. caparas hehe. seriously, from the start of the case until the recantation, there are things that are definitely amiss.

katek said...

hellows torni.
napadaan lang. nag bblog hopping ako :D

pikang pika ko nung nabalitaan ko yang sa nicole na yan. parang ang dating sakin eh, "napaka landi mo! pupunta ka sa ganong lugar tapos makikipag inuman tapos mag rereklamo ka! mag dadrama ka! tapos ngayong makakatapak ka na sa amerika babawiin mo lahat?!"

parang ganon lang ba yun?

isa syang malaking kahihiyan!!! NAPAKALAKING KAHIHIYAN!!


yun lang. baka mas humaba pa ang comment ko sa blog mo eh :D