Ginawa naming Divisoria ang Davao kahapon.
We had to fly in mid-morning and fly out early evening. We were to conduct a lecture in between.
We reached the training center past noon. There were still three speakers scheduled before us. We were getting worried we will not make it to the 6:45 flight.
"Trust God", sabi ni Gary, isang kasama namin. He was to talk after us pa! "Madami ng nangyaring ganito na nalusutan ko."
Mahaba ang lecture at maraming tanong sa mga nauna. We promised, iiksian namin ang amin. One hour, at most.
Eksakto. Tapos kami ng mga 5:10. Salang kaagad si Gary. "Ano gusto nyo, fast or quick? Basta mabilis lang to", yabang pa niya sa participants.
Pero 6:00 na, nagkukuwento pa rin siya. Di nya nakikita ang time-out sign namin.
Tumawag na kami sa mga nauna na sa airport. "Ano pa'ng ginagawa nyo dyan? Andito na ang eroplano!"
Walang kaabog-abog, lumayas na kami. Aside from Gary, me isa pa siyang kasama na magsisimula pa lang. We had no choice but to leave them both.
Ang masama, pinagamit na sa amin ang sasakyan na dapat para ke Gary (mas bosing kasi sya, he he). Ni-request na lang namin ang guard na ihanap sila ng ibang masasakyan.
Pagdating sa airport, we realized, niloko pala kami ng tinawagan namin. Kararating lang ng plane!
After a few minutes, dumating sina Gary. Gusto sana namin, pero di na kami nakapagtago.
Nakangiti siyang lumapit sa amin, sabay sabing, "You did not trust the Lord!"
Guilty, your honor . . .
1 comment:
hehehe. aliw yang post na yan :)
check mo xanga ko. mas ok mga posts ko dun. click my name, nandun yung link ;)
Post a Comment