She looked confused. "I don't know. Baka me tocino style nga."
A week after the conversation, I decided to have fried chicken for dinner. Again, it smelled and tasted weird. Sweet!
I checked the oil i used. This ...

Isa ako sa mga nagngitngit noong magsumbong ka ng pang-aapi. Hindi lamang dahil sa pakikisimpatiya ko personal mong pagdurusa, kundi lalo’t higit dahil sa aking galit sa patuloy na pag-aalipusta ng mga dayuhan sa ating dignidad bilang Pilipino.
Sa totoo lang, me duda rin ako sa kwento mo. Sino nga ba naman sa atin ang di pa nakakaalam na ang kadalasang tingin ng mga sundalong Amerkano sa ating kababaihan e mga parausan? Hindi lahat ganoon ang pananaw, pero pumunta ka sa kanilang lungga at maglasing, e para ka na ring nagpalapa sa mga
Pero pinaniwalaan naming lahat ang iyong kainosentehan (o katangahan ba dapat?). Kahit nga naman kasi sumayaw ka ng hubo’t hubad sa harap ng isang lalaki, “rape” pa ring matatawag kung ika’y umayaw at pinilit makipagtalik.
Kaya nga nga labis akong nagalak noong manalo ang kaso mo. Pakiramdam ko, binigyan na natin ng tamang babala ang mga mapagsamantala. At naibangon natin kahit papano ang dangal ng Pilipino.
Pero ano itong naririnig kong nagbago ka ng salaysay? Na nakokonsensya ka at mukhang hindi naman kasi talaga nagkasala ang isinakdal mo. Na parang naaalala mo na ngayon na di ka naman talaga pinilit.
Ganun?
Ano na ba ngayon ang tunay na kwento? Nagalit ka lang ba dahil pagkatapos ng inyong pagtatalik e hindi man lang nagpasalamat yung mama? Nainsulto ka lang ba dahil iniwan kang parang baboy sa kalsada at wala man lang yung inaasahan mong “ ilove you”?
Ang galing mo! Nagawa mong tanga ang buong Pilipinas!
Sinasabi nilang di ka dapat husgahan dahil baka naging biktima ka na naman uli. Talaga lang ha! Sinasabi lang yan ng mga peministang di ngayon malaman kung saan pupulutin ang kanilang sarili pagkatapos ng isang nakakahiyang pakikipaglaban. Magmula ngayon, wala na silang paghuhugutan ng dahilan para ipaglaban ang kaso ng mga nagagahasa, lalo na yung mga totoong nalapastangan.
Nahihiya ako ngayon. Narito ako sa isang bansa na kung saan di kagandahan ang karaniwang tingin sa mga Pilipina. Pinilipilit nilang baguhin yun, pero dahil sayo, subsob na naman sa lusak ang kanilang reputasyon.
Pero andyan na yan. Pasasaan ba’t tuloy pa rin ang laban ng ating bayan. Tuloy pa ring tatayo ang ating kababaihan, kahit pa masyadong mabigat yung ipinatong mong hilahil.
Isa na lang ang hiling ko.