By this time, siguradong dagsa na ang mga nakauwing balikbayan (Tama. Lahat sila balikbayan. Bakit kasi pag mayaman, balikbayan ang tawag. Pag small-time lang at naninilbihan sa mga forenger, OFW).
Nasa dyaryo kanina na ngayon ang official start ng Pamaskong Salubong ng gobyerno. Of course, kasama ‘to sa walang kamatayang selebrasyon dahil sa sangkatutak daw na remittances ng overseas Pinoys. At syempre pa, para na rin sa photo op ng mga KSPng opisyales natin. Ang ganda nga namang tingnan ng mahabang pila ng mga nakangiting Pinoy na sinasalubong sa saliw ng rondalla at inaabutan ng kung anu-anong abubot, e.g. kakanin. At least, naiba naman. Hindi na lang lagi sila ang nagbibigay.
Naging OFW din ako minsan. Kaya nga parang trip kong mag advice ngayon. Hindi dahil matanda na ako he he, pero dahil paminsan-minsan kailangan pa ring payuhan ang ating mga kaibigan, lalo na yung mga ngayon lang uli uuwi.
Ito’y ilan lang sa mga tips na hango sa aking mga mabagbag-damdaming kwentong nasagap:
Tip # 1. Wag masyadong ipaalam sa mundo ang iyong matagumpay na pagbabalik. Dito kasi nagsisimula ang lahat ng problema. Pag marami ang nakakaalam ng pag-uwi mo, mabibigla ka na lamang sa haba ng pila ng mga nakaabang sa yo. Kung dati tambay ka lang sa kanto at walang pumapansin, ngayon talo mo pa ang kandidatong barangay chairman.
Tip # 2 Magtalaga ng eksaktong badyet para lahat ng gastusin. Maaaring pinag-ipunan mo nga ang pag-uwing to, pero sinisigurado ko sa yo, kahit bitbitin mo lahat ng kayamanan ng iyong amo, kulang pa rin yan. Kaya maglagay ka ng boundary kung hanggang saan ka pwedeng magtapon. Pagdating dun, tigil.
Tip # 3. Maging matatag sa lahat ng dramang lalapit. Asahan mo maaamoy ng madlang bayan ang simoy ng iyong dolyar. At dahil puno ng hikahos ang Pilipinas, hindi katakataka na ang lahat ay me kwento ng hinagpis at pagdurusa. At lalabas, ang tanging lunas ay ang konting tulong na maiaabot mo. Walang masamang magbigay, pasko naman. Basta matuto ka lang umayaw pag said na ang balon.
Tip # 4. Magtago ng pondo para mga emergency. Marami na akong nakilala na mayaman paglapag sa Pilipinas, pero nangungutang na pagbalik (Hoy! Yung me utang pa sa akin, magpakita kayo!) Ni hindi man lang kasi sumilip sa bangko nung me laman pa ang kanyang wallet. Para naman dun sa me mga naipon na, maglaan ng kahit konting panahon para mapag-usapan ang pamumuhunan. Di habang buhay me grasya sa ibang bansa (tingnan nyo ko, he he).
Pero please, huwag na po dyip o tricycle. Dagdag trapik at sakit ng ulo lang yun.
Tip #5. Umuwi sa pamilya. He he. Andami ko kasing nakilala na iba ang pamilyang nilisan at iba naman nung bumalik. Di naman sa nangingialam, pero kahit saang anggulo mo ito tingnan, siguradong gulo. Kaya sana naman, gugulin talaga ang oras ng bakasyon sa pamilya. Para mabawasan na rin ang pangungulila at kapagdaka’y makatipid sa telephone bill pagbalik nyo abroad.
Tip #6. Magapasalamat. I’m sure bago nakarating sa kinalalagyan mo ngayon, marami ka ring nahingan ng tulong. Ito na ang pagkakataon para makabawi. Hindi kailangan magbigay ng mamahaling bagay. Importante, di ka nakalimot.
Huling tip. Higit sa lahat, mag enjoy! Balik kayod-kalabaw na naman kayo pagkatapos nito kaya dapat sagarin na. Maraming paraan mag-todo saya ng di masyadong parusa sa bulsa at sa katahimikan ng bayan. Challenge ito sa inyong creativity.
Merry Christmas!
P.S.
Darating din ang ilan sa mga taong nakadaupang-palad ko noon sa mundo ng mga Intsik, kaya ako rin medyo excited na. Sigurado, mahaba-haba ring kwentuhan to. Kung saan-saang lupalop na rin kasi ng mundo sila napadpad at taon na rin ang nakakalipas mula ng huli kong makita ang ilan sa kanila.
Ehem. Honest. Di na nila kailangang ibalot. :-)

(*Photo from Inquirer)
3 comments:
this post deserves a wider readership. sana maraming makabasa. at kapupulutan talaga ang mga tips mo. ilang beses na rin kasi akong nauwi muli sa ibang bansa.
salamat nga pala sa pagbisita sa blog ko. natuwa ako sobra sa comments mo. sana maging maningning ang pasko mo; at matapang at puno ng sigasig ang iyong bagong taon.
Maraming salamat po.
Coming from an excellent writer, the nice words mean a lot to me.
He he. At talaga namang di nagpaawat sa drama.
May tama ka.
Post a Comment